YOSHIHIDE SUGA BAGONG PRIME MINISTER NG JAPAN

TOKYO – Si Yoshihide Suga, ang bagong lider ng Liberal Demoratic Party, ang inihalal ng makapangyarihang House of Representaives bilang Prime Minister ng Japan.

Agad tututukan ni Suga ang pagpapasigla sa nanamlay na ekonomiya ng Japan kasabay ng pagkontrol sa coronavirus disease.

Nangako si Suga na itutuloy ang mga polisiya ni dating Prime Minister Shinzo Abe, gaya ng “Abenomics” para palakasin ang ekonomiya, at bumuo ng Gabinete na inaasahang pupunuan ng mga pamilyar na mukha sa nakalipas na administrasyon.

Nagpahiwatig ang 71-anyos na lider na posibleng magdagdag ito ng mga hakbang para palakasin ang ekonomiya ng Japan.

Bukod ito sa 230 trillion yen ($2.2 trillion) package na inilaan ng pamahalaan para tugunan ang COVID-19 outbreak, kabilang na ang subsidiya sa mga naapektuhang negosyo at pagpapalakas ng turismo.

Pag-aaralan din nito ang national security policy ng Japan na inumpisahan ni Abe matapos mabasura ang planong paglulunsad ng isang U.S.-developed missile defense system dahil sa technical issues.

Hinirang naman si Health minister Katsunobu Kato kapalit ni Suga bilang chief Cabinet secretary, na nagsisilbi rin bilang policy coordinator at top spokesman ng pamahalaan.

Si Suga na anak ng magsasaka ay hindi katulad ni Abe at iba pang mga mambabatas sa Japan na produkto ng political dynasty

Mananatili si Suga sa poder sa natitirang termino ng nagbitiw na si Abe bilang LDP leader hanggang sa September 2021. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap