TULOY ANG 2020 TOKYO OLYMPICS

Mandatory Credit: Photo by Aflo/Shutterstock (10346040b) The Olympic Rings adorn an event square which opens at Tokyo's Nihonbashi to mark just one year to the start of the 2020 Tokyo Olympics and Paralympics. Tokyo Olympic Games One Year to Go, Japan - 24 Jul 2019

TOKYO — Tuloy ang Sports event, Ayon sa mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics, Pati ang host country, Japan, Ay lumalaban para masugpo ang pagkalat ng virus upang humupa ang takot ng mga tao sa epekto ng radiation sa isa sa mga game venues.

Makino Michiko, Direktor ng the Olympics organizing committee for press relations, Ay nagsigurado sa kaligtasan ng mga kasaling mga Bansa, kasama rito ang pilipinas, sa “countermeasures” di lang sa outbreak ng novel coronavirus (COVID-19), Pati na rin sa banta ng terrorismo.

Planong pangkaligtasan sakaling may natural na kalamidad gaya ng lindol at sobrang init ng panahon ay nakalatag rin, aniya.

“The Tokyo 2020 Games will not be stopped because of this virus,” Wika ni Makino sa nakaraang briefing kasama ang mga bisitang reporters mula sa Southeast Asian countries, kung saan karamihan dito ay magpapadala ng kanilang mga atleta sa Olympics sa darating na Hulyo.

Sa ngayon ang committee ay “not concerned” sa posibleng pagka delay ng mga palaro. “For one thing, we still have [about] six months before the opening day [and it is] very possible that the coronavirus spread is contained [by then],” Aniya.

Sa gitna ng flight bans at pag dami ng mga taong natatakot bumiyahe sa labas ng kanilang Bansa, Inaasahan pa din ng Japan ang 40 million na turista na bibisita ngayong taon, ang projection ay tumaas lalo dahil sa parating na Olympics.

Ayon kay Makino halos 15,000 security personnel at government police ang ikakalat sa 43 na venues, pati na rin sa airports at train stations, na kasalukuyang may ilang display na ng Olympic logo at ng mga mascots na sina “Miraitowa” at “Someity.”

Ang popular Skytree ng Tokyo, na may 634-meter tower, na umiilaw sa gabi na may katagang “Tokyo 2020,” habang ang reconstruction ng the National Stadium ay halos kumpleto na rin.

Ang torch relay magsisimula sa March 26 sa Azuma Baseball Stadium sa Fukushima City at magtutuloy sa Tohoku region na winasak ng 2011 earthquake at tsunami.

Ayon kay Makino, ito umano ang isa sa rason kaya nila isinama ang Fukushima bilang isa sa Olympics venue upang ipakita sa lahat na ito ay “revitalized” para mawala na ang takot sa radiation mula sa damaged nuclear power station.

“It has already been nine years since the Great East Japan Earthquake. We have confirmed the [current] radiation level [in Fukushima] is no different from the radiation levels in other major cities in and outside Japan,” Ayon kay Makino.

(JCV)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap