TRILLANES, IPINAAARESTO NG KORTE

IPINAG-UTOS ng korte sa Quezon City ang pag-aresto kay dating Senador Antonio Trillanes IV at 11 iba pa na inakusahan ng conspiracy to commit sedition kaugnay ng nag-viral na “Ang Totoong Narcolist” videos kung saan idinawit ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa drug trade.

Ayon sa clerk ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138, inilabas ang order kahapon (Huwebes), at tatlo sa mga akusado ay nakapaglagak na ng P10,000 piyansa.

Tumanggi naman ang korte na ipakita ang kopya ng dokumento, maging ang mga pangalan ng mga nagpiyansa.

January 27 nang maghain ng reklamo ang Department of Justice laban kay Trillanes at sa iba pa, dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagkalat ng malisyosong impormasyon upang sirain ang Pangulo.

Kasama sa kinasuhan si Peter Advincula, ang lalaking nakasuot ng hooded jacket at nagpakilalang “Bikoy” sa viral videos na nag-uugnay sa First Family sa kalakalan ng iligal na droga. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap