TRES PUNTOS AT 9-POINT AGENDA NI CASCOLAN, PILIPINAS TINATAKANG LIGTAS

POSITIBONG tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang resulta ng US-based Gallup Poll survey na isa ang Pilipinas sa pinakaligtas na bansa sa buong mundo pagdating sa kumpiyansa ng mga mamamayan sa Police at law enforcement agencies.

Sa text message ni Cascolan sa media, sinabi nito na dahil sinusunod ng 119,000 policemen ang kanyang Pulis Ko’y Responsable, Respetado at Disiplinado strategy kung bakit maayos ang serbisyo nila sa publiko.

Dagdag pa ng PNP Chief hindi ito nakapagtataka dahil alam ng liderato ng PNP kung paano gabayan at disiplinahin ang kanilang mga tauhan.

Mayroon aniyang ipinatutupad ngayon ang PNP na 9-point agenda na sumusunod sa tatlong pangunahing direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga ito ay paglaban sa korapsyon, pagsugpo ng illegal man droga, at pagtataguyod ng law and order.

“Our PNP knows how to lead mentor and discipline his people, we have 9-point agenda that follows the three directives of the President versus corruption, fight illegal drugs and follow the rule of law. We also have Enhanced Managing Police Operation (EMPO) that guides our personnel in their day to day operations,” ayon kay Cascolan.

Bukod dito mayroon din aniyang sinusunod ang mga pulis na manual tungkol sa “Enhanced Management of Police Operations” na itinuturing bilang parang biblia.

Sa resulta ng Gallup Poll, naabot ng law and order index na 84 ang Pilipinas, kahanay ng mga bansang mapayapa na Australia, New Zealand, Poland at Serbia.

Ang Estados Unidos naman ay may score naman 85, habang ang nangunang bansa na pinakaligtas Singapore, ay nakakuha ng score na 97.

Habang ang Afghanistan ang itinuring na least safe na nasa ranggo na 43. (Eunice Celario)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap