TRAFFIC SA EDSA, GAGAAN SA KALAGITNAAN NG 2020

ASAHAN ng mga motorista at commuters ang magandang pagbabago sa napakabigat na trapiko sa EDSA ngayong taon dahil ilang infrastructure projects sa Metro Manila ang makukumpleto sa unang anim na buwan ng 2020.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, mababawasan ng 20 hanggang 30 percent ang pagsisikip ng trapiko sa EDSA sa ikalawang bahagi ng taon kapag natapos na ang ilang proyekto sa ilalim ng Edsa Decongestion Program.

Aniya, ang Decongestion Program para sa highway na may habang 23 kilometro at dinadaanan ng mahigit 400,000 na sasakyan araw-araw, ay binubuo ng 23 projects na kinabibilangan ng 13 kalsada o highways at 10 tulay na nagkakahalaga ng P384 bilyon.

Kumpiyansa ang pamahalaan na matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nitong paluluwagin ang EDSA bago matapos ang kanyang termino.

Kabilang sa mga proyekto na matatapos na ay ang Metro Manila Skyway Stage 3 kung saan ang dalawang oras na biyahe mula Buendia sa Makati City hanggang Balintawak sa Quezon City ay magiging 15 hanggang minute na lamang.

Ayon kay Villar, inaasahang bubuksan ito sa Abril o Mayo ngayong taon para sa may 100,000 daily vehicular traffic.

Kasama rin sa Edsa Decongestion Program ang NLEx-SLEx connector road, widening ng Radial Road 10; Naia Expressway Phase 2, C-5 Southlink Expressway; Mindanao Avenue Extension; NLEx Harbor Link Segment 8.2 (Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue sa Quezon City); Samar Street project; Southeast Metro Manila Expressway, C-6 Phase 2; Fort Bonifacio-Nichols Highway; at Laguna Lake Highway. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap