TOTAL REVAMP SA NAIA, IPINAG UTOS NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Ipinag utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang “total revamp” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang hakbang ni Morente sa lahat ng personnel na nakatalaga sa NAIA Terminal 1 hanggang 3 ay epektibo sa lalong madaling panahon bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sakop ng revamp ang Port Operations Division (POD) deputies at terminal heads hanggang sa mababang posisyon sa counter personnel, maliban sa POD chief kung saan ang Department of Justice (DOJ) ang magdesisyon.

“This practice of rotating and changing assignments on a regular and programmed basis is both a means to enable better performance and encourage skill upgrades, as well as a necessary precaution against possible avenues for graft and corruption,” pahayag ni Morente.

Magpapatupad ng mga pagbabago sa pamunuan ang Bureau of Immigration (BI) at sa DOJ na mother agency ng ahensya dahil sa umano’y pastillas scheme kung saan nabibigyan ng special treatment para makapasok sa bansa ang mga Chinese at mga trabahador ng offshore gaming kapalit ng pera. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap