‘TOTAL LOCKDOWN’ SA MALACAÑANG COMPLEX INIREKOMENDA NG PSG

INENDORSO ng Presidential Security Group (PSG) ang total lockdown sa Malacañang complex upang protektahan ang seat of power ng gobyerno mula sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni PSG chief Col. Jesus Durante III na magsisimula ang lockdown Sabado, March 28 hanggang Biyernes, April 10.

Aniya, ang proposal ay coordinated sa Office of the President (OP) para sa approval.

Ginawa ang panukala makaraang isang mambabatas na positibo sa COVID-19 ang dumalo sa pulong sa Palasyo.

Ipinag-utos ni Durante ang mahigpit na quarantine sa lahat ng PSG personnel kasabay ng pagtiyak sa publiko na na-disinfect na ang Palasyo.

Sa ilalim aniya ng lockdown, hindi papayagan ang mga bisita na pumasok sa bakuran ng Malacañang. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap