TOTAL DEPLOYMENT BAN SA KUWAIT, INALIS NA

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inalis na ang total ban sa Kuwait.

Ito’y makaraang magkasundo ang Pilipinas at Kuwait sa pagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Nakasaad sa pinirmahang kasunduan ng dalawang bansa na hindi maaaring kunin ng mga employer ang pasaporte ng mga OFWs.

Papayagan rin ang mga ito na makagamit ng cellphone matapos ang kanilang trabaho.

Bibigyan rin ang mga ito ng day off with pay at kailangan ring may itinakdang oras ng trabaho at pamamahinga ng mga ito.

Hindi rin papayagan ang basta-bastang paglipat ng mga ito ng employer na walang abiso mula sa Philippine labor attache.

Kabilang naman sa papayagan na ring makapunta sa Kuwait ang mga dati at newly hired na household service workers.
Matatandaan na nagpatupad ng total ban matapos nangyaring pagpatay sa isang pinay worker na si Jeanelyn Villavende ng kanyang amo. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap