TAX FILING EXTENDED HANGGANG MAY 15 – BIR

PINALAWIG ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paghahain ng Income Tax Returns (ITR) hanggang May 15, 2020, kasunod ng mga kahilingan na iurong ang koleksyon bunsod ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) na may petsang March 18, ipinag-utos ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang one-month extension nang walang penalties sa mga taxpayer.

“This emergency measure is being offered to provide relief to Filipino taxpayers who will not be able to prepare, let alone file, the necessary ITR documents on or before the original annual deadline of April 15 because of skeletal workforce arrangements and enhanced community quarantine rules that the national government has implemented to contain the pandemic,” pahayag ng Department of Finance (DOF).

Ginawa ng DOF ang anunsyo ngayong Huwebes, kasunod ng mga panawagan mula sa private at public sectors.

Una nang nanawagan sa BIR ang mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso, maging ang mga grupo sa pribadong sektor gaya ng Philippine Chamber of Commerce Inc. (PCCI) at Makati Business Club (MBC) na palawigin ang deadline.

Bago ito ay inihayag ng BIR na pananatilihin nila ang April 15 deadline sa jatwirang maari naman itong iproseso ng mga taxpayer sa pamamagitan ng online. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap