SWABBING CENTER SA MOA PANGANGASIWAAN NG PNP- ASCOTF

ANG Philippine National Police -Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (PNP-ASCOTF) ang mangangasiwa sa itinayong swabbing mega center sa Mall of Asia-Arena sa Pasay City.

Ayon kay Lt. Gen. Camilo Pancratius Cacolan, PNP Deputy Chief for Administration at commander ng PNP-ASCOTF, inilaan ang pasilidad para sa returning overseas Filipino workers (OFWs) .

Habang nasa 144 na pulis na hinati sa two shifts, alas-otso na umaga hanggang alas-12 ng tanghali at ala-1PM hanggang alas-5 PM.

Ayon kay Cascolan, ang bawat pulis ay kayang kumuha ng swab sample sa limang OFWs kada oras kaya sa buong maghapon o walong oras ay kaya nilang makakolekta ng swab samples sa 2,880 OFWs.

Ang Philippine Red Cross naman aniya ang magsusuri sa swab sample collections ng mga pulis.

Katuwang naman ng 144 cops ang ilang empleyado ng different agencies bilang encoder para sa mabilis na recording.

Tiniyak naman ni Cascolan na well trained ang 144 pulis gayundin ang civilian encoder.

Paglilinaw ng heneral na ang mga OFW na isasailalim sa swabbing ay naka-quarantine na.

Magugunitang bukod sa swabbing center sa MOA Arena, ang PNP-ASCOTF din ang nangangasiwa sa health facilities sa Philippine International Convention Center sa Pasay City at Philsports Ultra sa Pasig City. END

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap