SUPPLEMENTAL BUDGET NG DOH SA PAGTUGON COVID-19, APRUBADO NA

Inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang panukalang batas na naglalayon mabigyan ng supplemental budget ang DOH bilang tugon sa COVID-19.

Ngunit imbes na P2 billion pesos na orihinal na nakasaad sa inihaing mga panukala, P1.6B lamang ang inaprubahan ng komite.

Ayon sa national treasury, P1.654 Billion lamang ang available excess fund na maaaring pagkunan ng supplemental budget na manggagaling sa dibidendo.

Bukod pa ito sa P13 billion contingency fund sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act na maaari ring pagkunan ayon kay Budget Usec. Janet Abad.

Maaari rin aniyang i-tap ang P7.5B NDRRM fund bagama’t ito ay inilalaan talaga sa mga kalamidad.

Maaari ring gamitin ang pondo na manggagaling sa PAGCOR na P2b, P420 million mula sa PCSO, quick response fund na P81M at DOH savings na P539 million.

Batay sa DOH ng P3.1B ang kanilang kailangang dagdag pondo pambili ng personal protective equipment, MOOE at salaries ng Bureau of Quarantine, at pambili ng 40,000 na test kits. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap