SUPLAY NG PORK AT POULTRY PRODUCTS SA BANSA, TINIYAK NA TATAGAL HANGGANG SA SUSUNOD NA 5 BUWAN- SINAG

Tiniyak ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na tatagal hanggang sa susunod na limang buwan ang suplay ng pork at poultry products sa bansa.

“Punong-puno ng mga alagang baboy ang mga farms natin; ganundin ang mga manukan,” ayon kay SINAG chair Rosendo So.

Base sa report ng SINAG sa kanilang latest inventory, nanatili sa 43, 398 metric tons ng frozen pork ang nasa accredited cold storage habang nasa 56,521 metric tons ang poultry products.

Ayon sa SINAG, ang naturang bilang ay mas mataas kaysa sa nakaraang inventory noong nakaraang buwan o nakaraang taon. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap