SOTTO GULANTANG SA HINDI PAGKAKASAMA NI DUQUE SA MGA INIREKOMENDANG KASUHAN NG TASK FORCE PHILHEALTH

NAGULAT si Senate President Vicente Sotto III nang hindi isama ng multi-agency task force na nag-imbestiga sa mga iregularidad sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), sa mga inirekomendang kasuhan si Health Secretary Francisco Duque III.

Una nang inirekomenda ng Senate Committee of the Whole na pinamumunuan ni Sotto, ang paghahain ng mga kasong malversation at graft laban kay Duque at sa iba pang opisyal ng state insurer dahil sa umano’y kuwestiyunableng paglalabas ng bilyon-bilyong pisong pondo sa pamamagitan ng emergency cash advance measure ng PhilHealth.

Nais din ng komite na sampahan ng administrative cases si PhilHealth senior vice president for legal sector Rodolfo del Rosario at lahat ng iba pang opisyal at empleyado ng Protest and Appeal Review Department ng ahensya dahil sa kawalan ng aksyon at kapabayaan sa mga kasong nakabinbin sa kanilang departamento.

Gayunman, walang kasong inirekomenda ang task force na pinamunuan ng Department of Justice laban kina Duque at Del Rosario.

Naniniwala si Sotto na maaring may mas magandang perspektibo ang Ombudsman sa mga anomalya.

Una nang binalewala ni Duque na siyang ex-officio chairman ng PhilHealth board ang findings ng Senate Committee of the Whole sa pagsasabing wala itong basehan. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap