SONNY PARSONS, PUMANAW NA

Sumakabilang buhay na ang dating Hagibis member na si Sonny Parsons.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Nicole Villarama Santa Maria sa kanyang facebook account.

Pumanaw si Parsons sa edad na 61.

Nasawi matapos atakehin sa puso ang dating miyembro ng 80s all male group na ‘Hagibis’ habang nagmamaneho ng kanyang motor patungong Lemery, Batangas.

Kabilang sa mga tanyag na kanta ng ‘Hagibis’ ay ang “Legs,” “Babae,” “Lalake” at “Katawan”. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap