SERYE NG MGA LINDOL, NARAMDAMAN SA LALAWIGAN NG BATANGAS, KANINANG UMAGA

Niyanig ng magkakasunod na lindol ang lalawigan ng Batangas, kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), Naramdaman ang magnitude 4.6 na pagyanig, kaninang alas 11:19 ng umaga kung saan na–trace ang epicenter nito 3 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Mabini.

Ang magnitude 4.6 na lindol na tectonic in origin ay malalim na 11 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa bayan ng Bauan sa Batangas; Intensity II sa mga bayan ng San Nicolas at Taal; at Intensity I sa mga bayan ng Agoncillo at Lemery.

Isang magnitude 4.5 na lindol ang naitala dakong alas 11:06 ng umaga kung saan natunton ang epicenter ng pagyanig 3 kilometro timog kanluran sa bayan ng Mabini.

Sunod namang naramdaman ang magnitude 4.2 na pagyanig sa bayan ng Mabini, 30 minuto bago mag alas 10:36 ng umaga.

Naitala rin sa Mabini ang magnitude 2.0 hanggang 3.8 na lindol.

Wala namang naiulat na nasawi o napinsala sa mga pagyanig (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap