SENATOR GRACE POE AT SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE RALPH RECTO, SUPORTADO ANG P10M REWARD NI PANGULONG DUTERTE.

Sinuportahan nina Senators Grace Poe at Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang 10-milyong Pisong reward ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang makakatuklas ng vaccine o bakuna laban sa COVID-19.

Para kay Senator Poe, ang hakbang ng Pangulo ay pagkilala sa galing at talino sa paglikha ng mga Pilipino.

Binigyan diin pa ni Poe na ito ay panawagan din sa mga Pilipino na pairalin ang kabutihan at pagiging makatao sa pamamagitan ng paghanap ng lunas na syang magpapago sa kasaysayan ng medisina at magbabalik sa normal na buhay ng bawat isa.

Bagaman nagustuhan din ni Senator Recto ang hakbang ng Pangulo, iminungkahi niya na mas mainam kung bubuo ng grupo ng mga scientists ang gobyerno.

Sinabi ni Recto na ito ay para maging bahagi ng pandaigdigang pagsisikap na makagawa ng mas mahusay na COVID-rapid test kit at bakuna. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap