SENADO, PINAG AARALAN ANG PAGHAHAIN NG PETISYON SA VFA TERMINATION SA SUPREME COURT- LACSON

Pinag aaralan ng mga senador ang paghahain ng petition sa Supreme Court upang linawin kung ano ang papel ng senado sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Senador Panfilo Lacso, habang isinasapinal pa nila ang kanilang hakbang, pinag uusapan nila sa senado ang paghahain ng petisyon sa high tribunal para maging malinaw ang role ng senado sa termination ng bilateral treaties.

“Mga haka-haka ito, mga komentaryo na sinasabing ‘baka,’ ganun ang pananalita na binitiwan mismo ng aming Senate President [Vicente Sotto III]. Baka maghain ang mga senador ng petition sa Korte Supreme para linawin,” ani Lacson.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, umaaksyon lamang ang senado sa panahon ng ratipikasyon ng kasunduan.

“Mainam na rin na ma-clarify yun para matigil na rin yung mga haka-haka tulad nito, para malinaw. Kasi kapag naging part na ng jurisprudence, ibig sabihin alam na ng executive branch, alam na ng legislative branch o Senado particularly,” pahayag pa ng senador. (Jane Manalastas).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap