SEN. LACSON AT BATO DELA ROSA, PABOR SA PANUKALANG IPAGBILI ANG MILITARY GOLF COURSE

Pabor ang dalawang senador na ipagbili ang ilan sa mga military golf course para makatulong sa pangangailangan ng gobyerno sa pagtugon sa coronavirus disease o COVID 19.

Sinasang ayunan ni Senator Panfilo Lacson, chairperson ng Senate committee on national defense and security sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbili ang ilang government assets para matugunan ang mga kakulangan sa health emergency na kinakaharap ng bansa.

“As long as the physical security of military facilities will not be compromised if we cut the golf courses inside the military camps and sell the same to private developers, I am all for it as well as other out-of-the-box ideas,” ani Lacson.
Maging si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na dating naging hepe ng PNP ay suportado ang panukala ni Albay Representative Edcel Lagman

“I am OK with that as long as there is complete transparency in every transaction in order to avoid another failed promise of AFP modernization from the sale of Fort Bonifacio,” saad ni Dela Rosa.

Kahapon ay ipinanukala ni Albay Rep. Edcel Lagman na ibenta ang mga golf course ng mga sundalo upang may magamit na pera sa mga pangangailangan sa paglaban sa coronavirus disease 2019. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap