SEN. FRANKLIN DRILON, NAGHAIN NG JOINT RESOLUTION PARA PALAWIGIN ANG FRANCHISE NG ABS CBN

Naghain ng joint resolution si Senate Minority Leader Franklin Drilon para sa pagpapalawig sa franchise ng ABS-CBN Corporation hanggang sa katapusan ng 2022.

Nakasaad sa Senate Joint Resolution No. 11, Sinabi ni Drilon na kailangan ng Kamara at Senado ng mahabang oras para ma-review ang application ng renewal ng 25 year franchise ng ABS CBN na mag-e-expired sa March 30, 2020.

Ayon kay Drilon, kakailanganin ng dalawang kapulungan ng kongreso ng mahabang oras at panahon para sa review, assessment at aalamin din nila kung papayagan ang ABS-CBN na i-renew ang kanilang franchise, kasabay ng pagbibigay diin ng senador na 12 session days na lamang ang natitira bago mag adjourn ang Congress sa March 14.

“On March 30, 2020, more than 11,000 families will go home jobless and millions of viewers will be affected if we do not act on this resolution immediately. I therefore urge for the immediate passage of this resolution,” ani Drilon. (Jane Manalastas).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap