SEKRETONG KASAL NINA SARAH AT MATTEO, NABUKING NI MOMMY DIVINE; BODYGUARD NA NAGSUMBONG, SINUNTOK NG AKTOR

SINUNTOK ng aktor na si Matteo Guidecelli ang closed-in bodyguard ng kanyang misis na ngayon na si Sarah Geronimo matapos akusahang isinumbong nito sa mga magulang ng asawa ang kanilang pribadong civil wedding.

Ini-report ni Jerry Tamara, 31, sa Taguig police ang pangyayari, dakong 3 a.m. ngayong Biyernes.

Ayon kay Taguig chief of police Col. Celso Rodriguez, inireklamo ni Tama ang panununtok sa kanya ni Guidecelli sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Huwebes ng gabi.

Sa salaysay ni Tamara, dumating ang ina ni Sarah na si Divine sa hotel dakong 11 p.m. para kausapin ang anak.

Nang makita si Divine ay inakusahan ni Guidecelli si Tamara na nagsumbong sa mga magulang ng asawa at sinuntok ang bodyguard.

Nagpakasal umano ang longtime couple sa hotel nang hindi alam ng mga magulang ni Sarah.

Una nang napabalita na tutol ang mga magulang ng actress-singer sa planong pagpapakasal sa kabila ng engaged na sila noong nakaraang taon.

Sinabi rin ni Rodriguez na inutusan ng mag asawang Geronimo ang bodyguard na bantayang mabuti ang mga ginagawa nina Sarah at Matteo.

Sa kabila naman ng pangyayari ay hindi naghain ng pormal na reklamo si Tamara laban kay Guidecelli. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap