SASAKYAN NI KIM CHIU PINAGBABARIL SA QUEZON CITY

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril sa sasakyan ng artistang si Kim Chiu sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District alas-7:34 kanina sakay ang aktres sa kanyang kulay itim na Hyundai H350 na may plate number GAF 6474 na minamaneho ng kanyang driver na si Wilfred Taperla, 45 anyos nang sila ay pagbabarilin.

Bumabiyahe sila sa may Katipunan Avenue at huminto sa may Katipunan corner CP Garcia stoplight.

Dito na dumating ang dalawang lalaking armado na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang sasakyan ni Kim Chiu ng anim na beses mula sa hindi pa matukoy na klase ng baril.

Hindi naman nasaktan ang aktress at drayber nito.

Tumakas naman agad ang mga suspek papalayo sa direksyon ng Katipunan Ave. Brgy. Old Balara.

Inaalam ngayon kung ano ang posibleng motibo sa pamamaril.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap