REWARD PARA SA MAKAKADISKUBRE SA BAKUNA LABAN SA COVID 19, ITINAAS NI PANGULONG DUTERTE SA P50M

Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P50 million ang alok na reward sa makakadiskubre ng vaccine para sa coronavirus disease o COVID 19.

Ang naturang desisyon ni Pangulong Duterte ay inanunsiyo ni presidential spokesperson Harry Roque sa televised briefing ngayong umaga.

“I am raising the bounty to P 50 million…because it is a collegial thing,” saad ni Duterte.

“Baka sa ligaya ko another P50 million. Kung maligaya ako masyado e di P100 (million), puro kayo milyonaryo. Huwag kayo mahiya tanggapin.“ani Duterte.

Matatandaan na nag alok si Pangulong Duterte ng P10 million pabuya para sa sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap