RELOCATION PLAN PARA SA MGA RESIDENTE NG TAAL, INAPRUBAHAN NI PANGULONG DUTERTE

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang relocation plan para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa pagputok ng Taal Volcano noong nakaraang buwan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, inaprubahan ng Pangulo sa Cabinet meeting, kahapon, ang kahilingan ni Human Settlements Secretary Eduardo del Rosario na magbigay ng kabuuang 5,448 housing units sa mga naapektuhang residente.

Sinabi ni Del Rosario sa Pangulo na nasa 5,000 pamilya ang lumikas kasunod ng mandatory evacuation mula sa 7-kilometer radius ng bulkan.

Ang housing units ay para sana sa mga sundalo at pulis at nasa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Cavite, at Quezon. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap