RECTO SIGURADO NA SA KAMARA

Tiyak na ang pag-upo sa Kamara ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto matapos walang magtangkang kumalaban sa kanya bilang kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas.

Tumatakbo si Recto sa ilalim ng Nacionalista Party, ayon sa Provincial Election Supervisor ng Comelec.

Sa maikling talumpati sa Comelec matapos maghain ng certificate of candidacy, pinasalamatan ni Recto ang kanyang constituents sa kanilang tiwala at suporta.

Nangako siya na ipagpapatuloy ang pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga Filipino sa pamamagitan ng mahahalagang batas sa Kamara.

“As always, my top priority would be to push for measures that will benefit our countrymen especially the Batanguenos in my district,” pagtiyak ng mambabatas.

Unang nagsibi si Recto, mister ni Batangas Governor Vilma Santos, bilang kinatawan ng ika-4 na distrito ng lalawigan simula 1992 hanggang 2001.

Hinangaan si Recto sa kanyang mga inakdang batas na may kinalaman sa economic reforms at poverty alleviation.

Kinabibilangan ito ng Social Reform and Poverty Alleviation Act, the Philippine Economic Zone Law, Amendment to the Special Economic Zone Law, the Retail Trade Liberalization Law, Regional Headquarters Law, at iba pa.

Sa Senado kung saan siya nagsilbi ng tatlong termino, pinuri ang apo ng statesman na si Claro M. Recto, sa kanyang mga batas na nagbigay ng positibong epekto sa mga konsumer, maliliit na negosyante, mga manggagawa at mga industriya.

Ilan sa mga ito ang pagtaas ng tax-exempt ceiling sa 13th month pay, Christmas bonus at iba pang benepisyo, mandatory PHILHEALTH coverage para sa senior citizens, karagdagang benepisyo pata sa Persons with Disabilities (PWDs), Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization, Murang Kuryente Act, Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act, Child Safety in Motor Vehicles Act, Universal Health Care Act, Philhealth Coverage para sa PWDs, Tax Amnesty Act, Social Security Act, Ease of Doing Business/Expanded Anti-Red Tape Act, Free Internet Access sa mga pampublikong lugar, Extending the Validity of Philippine Passport and Driver’s License, at National ID System.

Kabilang naman sa mga bagong batas na co-author si Recto ay Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act CREATE, COVID-19 Vaccination Program, Extending the Availability of Appropriations under Bayanihan to Recover as One Act, Bayanihan to Recover as One Act, and Bayanihan to Heal as One Act.####

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap