RECOVERY PLAN NG EU PARA SA MEMBER NATIONS, INILATAG

Inilatag ng European Union (EU) ang kanilang planong recovery plan para sa kanilang mga member nations na pinaka naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay EU Executive Commission President Ursula von der Leyen, maglalaan sila ng $825 billion na pondo para tulungan ang kanilang mga miyembro.

Ipamahagi ang nasabing halaga sa pamamagitan ng mga loans sa mga EU member state na gugustuhing mag-avail nito.

Tinawag naman ang naturang proyekto bilang “Next Generation EU”.

Maaalalang naapektuhan ng pandemya ang lahat ng 27 mga bansang nasa ilalim ng EU kung saan ang ilan ay napasama pa sa mga bansang nakapagtala ng pinamatataas na kaso ng infections sa buong mundo. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap