PUBLIKO ‘DI DAPAT PAKAMPANTE SA MECQ- SEN. BONG GO

Pinaalalahanan ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go ang publiko hindi pa rin dapat magpaka-kampante matapos na ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Ipinaliwanag ni Go na may konting adjustment lang sa mga patakaran ng MECQ para masigurong umaandar ang ekonomiya upang hindi umabot sa puntong tuluyang mamatay ang kabuhayan ng mga tao.

Binigyang diin ni Go na anumang quarantine restrictions na ipatupad ng pamahalaan, ang mahalaga aniya ay disiplina, pag-iingat at kooperasyon ng lahat.

Mahalaga aniyang sumunod ang lahat sa mga health protocols para maging matagumpay ang mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang ibinabalik ang sigla ng ekonomiya.

Sa kabilang banda, umapela naman si Go sa pamahalaan na gawin ang lahat para mabawasan naman ang pinapasan na pasakit ng mga tao.

Giit ni Go, maliban sa mga quarantine restrictions, dapat mayroon ding “concerted effort” na mapalawak at mapabilis ang expansion ng health facilities at ang construction ng modular hospitals para ma-accommodate ang mga severe at critical COVID-19 cases.

Maliban dito, dapat aniya ay ma-augment ang mga medical frontliners sa NCR plus at mga critical areas mula sa ibang rehiyon sa bansa, mapabilis ang vaccination program base sa prioritization list, mapalakas ang COVID-19 testing at contact tracing efforts.

Dagdag pa ni Go dapat ding ma-maximize ang mga teknolohiya na meron ang bansa para mapagaan ang pasanin ng health system ng bansa, mapabilis din ang proseso ng PhilHealth services and payments, mabilis na pamamahagi ng government assistance at dapat aniyang mag-adopt ng alternative work arrangements para masiguro ang safety ng working sector.

Samantala, nilinaw ni Go na sa lahat ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga quarantine restrictions ay isinaalang-alang nito ang rekomendasyon ng IATF na nangunguna sa laban ng bansa kontra sa COVID-19.EUNICE CALMA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap