PSC ULTRA PASIG HEALTH FACILITY PANGANGASIWAAN NG PNP

CAMP CRAME- ITU-TURN OVER na sa Huwebes, Abril 30, sa Philippine National Police (PNP) ang Philippine Sports Complex-ULTRA sa Pasig City na ginagawang health facility para sa COVID-19 patients.

Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Admininistration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, commander ng PNP-Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF).

in

“ULTRA facility to be turned over on Thursday, (April 30), 10:00 in the morning, ayon kay Cascolan.

Sinabi ni Cascolan na ang pasilidad ay maaaring maka-accomodate ng 132 patients habang 25 PNP personnel na medical reserve force ang ide-deploy roon.

Dagdag pa ni Cascolan na kaniya nang inatasan sina PNP Health Service Chief, BGen. Herminio Tadeo Jr. at Directorate for Information and Communication Technology chief, Maj. Gen. Dionardo Carlos na pinuno rin ng Medical Reserve Force na magbalakangkas ng 14-day activity para sa mga pasyente kasama roon ang games.

“I told the directors of PNP-HS, DICTM and MRF commander to prepare a 14-day activity for would be patients which will include games, etc.,” ayon pa kay Cascolan.

Samantala, sinabi rin ng heneral na posibleng ang ULTRA rin ang magiging pansamantalang tahanan ng mga dumarating na overseas Filipino workers.EUNICE C.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap