PRRD INATASAN ANG PHILHEALTH NA HUWAG OBLIGAHIN ANG MGA OFWs NA MAGBAYAD NG PREMIUMS

HINDI na obligado ang mga overseas Filipino workers na magbayad ng premiums sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon sa Malacañang ngayong Lunes.

Sa televised press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, boluntaryo na ang pagbabayad ng OFWs.

Inihayag din ni Roque na hindi na requirement ang pagbabayad ng PhilHealth premium bago makakuha ang OFWs ng overseas employment certificate.

Idinagdag pa nito na inanunsyo na ni Health Secretary Francisco Duque III ang suspensiyon sa probisyon ng implementing rules and regulations sa mandatory increase sa premium payments para sa OFWs.

“Sa ngayon po, habang meron tayong krisis, ang naging desisyon ng Presidente, huwag na muna tayong magpataw ng karagdagang pahirap sa ating mga OFWs, lalong lalo na sa panahon na napakadami sa kanila ang nare-repatriate at nawalan na rin ng trabaho,” sabi ni Roque.

“Whether or not tataas po ‘yan, well, realidad po na ang isang insurance system ay kinakailangan naka-base sa actuarial science.”

Kamakailan lamang ay nag-isyu ang PhilHealth, na attached sa DOH, ng circular na nagtataas sa premium payments ng OFWs na may monthly income na mula P10,000 hanggang P60,000 sa 3% ng kanilang monthly salary simula ngayong taon.

Inihayag ng state-insurer na nakasaad ito sa Universal Health Care Law, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap