PRO-13 MAY BAGO NANG HEPE, CASCOLAN NANGUNA SA TURNOVER CEREMONY

Pinangunahan ngayong Huwebes ni PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius P. Cascolan ang pagpapalit ng liderato sa Police Regional Office 13.

Kaninang umaga ay isinagawa sa Camp Col. Rafael Rodriguez sa Butuan City ang pagtatalaga kay PBGen. Romeo Caramat Jr. bilang regional director ng PRO-CARAGA.

Papalitan ni Caramat si PGen Joselito Esquivel na bababa ngayong araw nang marating ang mandatory retirement age na 56.

Bago ang pagtatalaga sa PRO 13, si Caramat na miyembro ng Philippine Militar Academy (PMA) Class 1992 ay nagsilbi sa PNP Drug Enforcement Group.EUNICE CALMA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap