PNP, INALOK NG “OPTIONAL RETIREMENT” ANG MGA PULIS NA SANGKOT SA NARCOTICS

Tatlundaan limampu’t pitong pulis na nasa drug watchlist ng administrayong duterte ang inalok ng Optional Retirement ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa.

Subalit aniya, ang mga positibo na may kinalaman sa ilegal na droga ay hindi makakalusot sa batas.

“Sabi ko if you don’t want to embarrass yourself, if you are guilty at sa tingin niyo eh with the composition now of those who will evaluate nakikita niyo na di kayo makakalusot, if you want peace of mind then we offer you optional retirement,” ani Gamboa.

Ayon kay Gamboa, kahapon ay 14 na pulis ang mas pinili na mag avail ng retirement.

“Hindi ibig sabihin off the hook na kayo. Wag kayong bumalik sa droga. Kung hindi ilalagay namin kayo sa ibang listahan,” dagdag pa ng opisyal.

Noong nakaraang linggo ay ipinag utos ni Gamboa ang reshuffle sa mga opisyal ng police force at surprise drug test sa mga senior officers. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap