PNP HANDA SA CONTINGENCY PLAN VS FOOD SHORTAGES AT LOOTING

Pinaghahandaan na Philippine National Police (PNP) ang posibilidad ng food shortages at looting na maaring mangyari sa Metro Manila at buong Luzon na nasa ilalim ng Enhance Community Quarantine.

Ito ay sa gitna ng ipinaiiral na lockdown na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pangontra sa pagkalat ng COVID 19.

Sa kanyang report kay Interior Secretary Eduardo Año at PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa, sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na ang mga scenario na ito ay tinalakay sa Executive Officer’s meeting sa Camp Crame.

Naglalatag din aniya sila ng plano para sa possibilidad ng mass demonstrations, deaths at pag-atake sa mga public official.

Una nang sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Guillermo Eleazar matapos maginspeksyon sa mga checkpoint na kailang mahigpit ang pagpapatupad ng quarantine kundi bale wala lang ito.

Base sa mga ulat ngayong umaga matapos na ipagutos ang enhanced community quarantine, marami parin sa mga mamamayan ang hindi tumatalima sa utos ng pamahalaan na manatili nalang sa bahay.EUNICE CALMA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap