PNP CHOPPERS FREEZE MUNA- CASCOLAN

CAMP CRAME- DAHIL sa trahedya na bumiktima kay Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa at sa pito pang police officials nang bumagsak ang kanilang sinasakyang 8-seater Bell 429 chopper, hindi na muna maaaring gamitin ang iba pang sasakyang panghimpapawid ng pulisya.

Ito ang kinumpirma ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo upang suriin munang mabuti ang mga chopper.

Bagaman pawang ligtas ang walong sakay ng naturang chopper, patuloy pa rin iimbestigahan ang mga pangyayari.

Magugunitang sinabi ni dating PNP Chief at ngayon ay Senador Ronal Dela Rosa na sa panahon niya na-acquire ang nasabing chopper kung saan nakasakay na rin siya doon.

Si Gamboa naman ang comptroller noon at nagbusisi para aprubahan ang pag-acquire ng nasabing Bell 429 helicopter.

Sinabi pa ni Dela Rosa na isang matibay at moderno ang naturang chopper dahil twin engine ito.

Una nang bumagsak ang chopper sa Laperal Compound, Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna kaninang umaga makaraang mag-take off ito nang dumalo si Gamboa kasama sina PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, PMGen. Mariel Magaway ng TDI, PMGen. Jose Maria de Ramos, TDC, , PLt. Col. Zalatar, Pilot, Co-Pilot na si PLt. Col. Macawili, PSMS Estona, Crew at Aide de Camp nitong si PCapt. Gayrama sa impounding compound ng PNP-Highway Patrol Group sa nasabing lugar.

Dahil maalikabok sa lugar ay nag-zero visible ang lugar kaya hindi napansin ng Zalatar ang live wire kaya bumagsak ang chopper.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap