PNP CHIEF CASCOLAN NAGBIGAY PUGAY SA MGA NAGTANGGOL PARA SA KALAYAAN NG MARINDUQUE

DINAKILA ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang sakripisyo at kabayanihan ng mga lumaban para sa kalayaan ng Marinduque 120 taon na ang nakalilpas.

Pinangunahan nina Cascolan at Cong. Lord Allan Velasco ang pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Battle of Pulang Lupa sa bayan ng Torrijos, kanina.

Sa talumpati ni Cascolan, sinabi nitong kahanga-hanga ang sakripisyo at pagbubuwis buhay ng mga nagdepensa sa kalayaan, gayundin na makamit ang peace and order sa nasabing lalawigan.

Aniya, magsilbing ehemplo ang nasabing kabayanihan para sa kasalukuyan upang makamit din ang katiwasayan.

Hangad din ni Cascolan sa taga-Marinduque ang patuloy na maging makaDiyos, makabayan at paigtingin ang malasakit sa kapwa.

Hinimok din nito ang publiko na magkaisa at magtulungan para labanan ang pandemya.

Dagdag pa ng PNP chief na ang lahat ay maaaring maging bayani sa sariling paraan at maging inspirasyon ang lumaban sa Battle of Pulang Lupa.

Sinamantala rin ni Cascolan ang pagtungo sa Marinduque at kinausap ang PRO MIMAROPA para tiyakin ang pagsunod sa batas at panatilihin ang kapayapaan para makamit ang kaunlaran sa lugar.

Ipinaunawa rin niya ang kaniyang 9 point agenda na target matapos sa dalawang buwan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang 3-point strategy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap