PNP BUMUO NG BAGONG RE-ENTRY PLAN AT WORK SCHEME PARA MAKASABAY SA ‘NEW NORMAL’

PNP BUMUO NG BAGONG RE-ENTRY PLAN AT WORK SCHEME PARA MAKASABAY SA ‘NEW NORMAL’

UPANG makasabay sa ‘new normal’ o bagong sistema ng pag-iingat laban sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) bumuo ng re-entry plan/work scheme of personnel at health /quarantine protocols ang bawat yunit ng Philippine National (PNP).

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, noong Lunes, Mayo 18, ay pinangunahan niya ang isang conference na tumalakay sa re-entry plan/work scheme of PNP personnel gayundin ang health /quarantine protocols sa loob ng Camp Crame.

Aniya, ang mga nabuong plano at bagong protocols para sa health at quarantine ay tatalakayin sa ASCOTF meeting saka ipiprisenta kay PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na siyang magbibigay ng go signal para maipatupad ito.

Paglilinaw naman ni Cascolan, ang mga pagbabago ay depende sa prayoridad at pangangailangan ng bawat opisina sa PNP.

“Yes, there will be a new work scheme of PNP personnel, depending on the need and priorities of each office,” ayon kay Cascolan.

Isa naman sa magiging maingat nilang binabalangkas ang guidelines o protocol s para sa health at sa quarantine sa loob ng Camp Crame upang mapigilan ang pagdami ng COVID-19 infected cops.

Batay sa record as of May 18, nasa 754 cops na ang nasa kategorya ng probable person under investigation (PUIs), 538 suspected PUIs, 250 confirmed, 4 deaths habang 69 pulis ang nakarekober sa COVID-19.

Magugunitang noong Lunes din ay nagpatupad na ng mahigpit na re-entry plan ang PNP Headquarters Support Service (PNP-HSS) para sa mga pulis at bisitang sibiliyan.

Batay sa advisory ng PNP-HSS ang mga pulis na papasok sa kampo ay kailangang may QR code, sumailalim sa RAT (rapid antibody test), RT-PCR at fit to work.

Habang ang mga civilian/visitor ay dapat magpakita ng government issued ID/APOR ID, quarantine pass, medical certificate at kung wala ng mga nabanggit ay kinailangang mag-fill up ng sa self-assessment form at contact tracing list.

Para naman makalabas ng kampo ang civilian visitor ay dapat magpapirma rin ng exit pass sa pinupuntahang tanggapan.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap