PILIPINAS, TINAGURIANG PINAKAMALAKING RICE IMPORTER SA BUONG MUNDO

Umaasa pa rin ang Pilipinas na mananatili ito bilang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo.

Base sa report na lumabas na report nitong linggo, Inaasahan ng United Sates Department of Agriculture –Foreign Agricultural Services (USDA-FAS) na aabot sa 2.5 metric tons ng bigas ang iaangkat ng bansa bago matapos ang taon mas mababa sa 13.8 percent kumpara sa inangkat noong nakaraang taon.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng USDA-FAS naungusan na ng Pilipinas ang China na siyang pinakamalaking importer ng bigas na inaasahang mag aangkat ng 2.3 million metric tons ng imported na bigas.

Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin ang China bilang second biggest rice importer sa buong mundo na 2.3 million metric tons ng imported rice.

Noong nakaraang taon, Binansagan ang pilipinas bilang biggest rice importer kung saan nakapag angkat ito ng 2.9 million metric tons matapos alisin ng pamahalaan ang limitasyon sa pag aangkat ng bigas. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap