PILIPINAS, KAYA NANG MAG-PRODUCE NG PPEs – DTI

Ipinagmalaki ng Department of Trade and industry (DTI) na may kakayahan na ang Pilipinas sa local production ng personal protective equipment para sa front liners sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa hearing ng committee of the whole, ay sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na meron 10 kumpaya sa Pilipinas ang payag na mag-produce ng protectivegear.

Ipinunto ni Lopez na nagawa nilang kumbinsihin ang mga kumpanya na naka-base dito sa Plipinas, foreign man o local, sa pag-prooduce ng protective gear.

Ibinunyag rin ni Lopez na marami na sa mga kumpanya ngayon ang gumagawa ng masks at ventilators.

Una nang sinabi ng Department of Health na meron kakulangan ng PPEs sa buong mundo.

Samantala, umabot na sa 13,434 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa, kung saan mahigit 3,000 nito ay recoveries at 846 naman ang fatalities. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap