PILIPINAS IKINAKASA NA ANG IKALAWANG REPATRIATION FLIGHT PARA SA MGA PINOY SA AFGHANISTAN

Naghahanda na ang pamahalaan para sa pagpapauwi sa mahigit 100 pang Filipino sa Afghanistan kasunod ng pagkubkob ng Taliban sa kabisera na Kabul.

Sinabi ni Overseas Workers Welfare
Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac na inaayos na ng Department of Foreign Affairs ang ikalawang repatriation flight para sa mga Pinoy na nanatili pa rin sa magulong bansa.

Noong Martes ay nakauwi na sa PIlipinas ang 35 Filipinos na lumikas mula sa kani-kanilang pinagsisilbihang kumpanya sa Afghanistan.

Tiniyak din ng OWWA ang kanilang kahandaan na tulungan ang mga uuwing Pinoy, dokumentado man sila o hindi. (LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap