PILIPINAS, AANTAYIN MUNA ANG APPROVAL NG WHO AT FDA BAGO PAPASUKIN SA BANSA ANG GAMOT PARA SA COVID-19

Aantayin muna ng Pilipinas ang approval ng World Health Organization (WHO) at Food and Drug Administration (FDA) bago payagan ang pagpasok sa bansa ng drug o gamot para sa Coronavirus o COVID-19.

Ayon Kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, may mga proseso para sa pagpasok sa bagong gamot Kung saan unang tinitignan ay ang pre qualification Mula sa WHO kung Ito ay pumasa sa kabilang standards.

Kailangan din aniyang sumailalim sa regulatory process ng FDA ang gamot.

Binigyang doin pa ni Vergeire na maging ang plasma therapy na ginagamit sa paggamit sa coronavirus ng ilang doctor sa China ay kailangang may approval NG kanilang mga medical authorities.

Kamakailan lamang ay inaprubahan mg Taizhou City government sa Zhejiang, China ang Favilavir, ang anti-drug na may kakayahang gagamutin ang coronavirus disease ( covid -19). (Jane Manalastas).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap