PGH, TATANGGAP NA NG COVID-19 PATIENTS SIMULA BUKAS, MARCH 27

Magsisimula nang tumanggap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) patients ang Philippine General Hospital (PGH) simula bukas, araw ng Biyernes, March 27.

Ito ay upang mabawasan ang trabaho ng ibang ospital at matutukan ng mga ito ang kanilang pasyente na may ibang karamdaman.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosaio Vergeire, naglaan ang PGH ng 130 beds para sa mga COVID-19 patients na may malala hanggang kritikal na kondisyon.

Nakatakda ring tumanggap ng coronavirus patients ngayong linggo ang Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City at ang Jose N. Rodriguez Hospital and Sanitarium sa Caloocan City na una ng pumayag na tumanggap ng COVID-19 patients.

Sa ngayon ay patuloy na naghahanap ang Department of Health (DOH) ng ibang ospital na may kapasidad na tumanggap ng COVID-19 patients lalo pa at patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso nito sa bansa. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap