PAULO AVELINO, KASAMA SA DARNA

KUMPIRMADONG kasama si Paulo Avelino sa pelikulang “Darna.”

Ito ang inanunsyo ng manager ng aktor na si Leo Domiguez sa post nito Instagram.

Gayunman, hindi naman sinabi ni Domiguez ang papel ni Paulo sa pelikula na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Bukod sa “Darna,” kasama rin si Paulo sa bagong teleserye ng ABS-CBN na “Burado,” kung saan magsasama silang muli ni Nadine Lustre. Makakasama rin nila sina Julia Montes, Zanjoe Marudo at Thai actor Denkhun Ngamnet.

January 20 nang magsimula ang shooting para sa pinakahihintay na pelikula sa ilalim ng direksyon ni Jerrold Tarog.

October 2018 nang opisyal na maging bahagi ng “Darna” si Tarog. Pinalitan niya ang orihinal na director na si Erik Matti na kumalas sa proyekto bunsod ng “creative differences” sa producer na Star Cinema. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap