PASIG LGU KINABOG SA TAMBAK NA BASURA SA ILANG BARANGAY

NANAWAGAN ang mga residente ng ilang lugar sa Pasig City hinggil sa tambak na basura na hindi pa rin nakokolekta sa kanilang barangay.

Ayon sa mga residente, ang mga basura ay naipon nitong mga nakaraan araw kasama na ang bagong taon.

Bukod sa pagiging eyesore ng mga ito, nangangamba ang mga apektadong residente sa posibleng sakit na puwedeng maidulot ng mga tambak na basura.

Dahil dito, nakikiusap ang mga residente partikular sa Maybunga Bliss lll, Bagong Ilog, Maybunga at Mangahan sa Pasig City Hall para sa agarang pagkolekta ng mga basura.

Ayon pa sa mga residente, magandang pambungad sa 2022 na makita nilang malinis ulit ang kanilang mga lugar lalo na’t nasa Alert Level 3 na sa Metro Manila dahil sa muling pagsirit ng bilang ng mga bagong COVID-19 cases at banta na rin ng Omicron variant ng pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap