PARTIAL OPERATIONS NG LRT1 CAVITE EXTENSION POSIBLENG SIMULAN SA 2021

Posibleng magsimula sa 4th quarter ng taong 2021 ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) Cavite Extension.

Ayon kay Light Rail Manila Corp. (LRMC) president at CEO Juan Alfonso, hiniling nila sa Department of Transportation (DoTr) na tapusin ang 64.9 billion project sa susunod na taon na sa palagay nila ay magagawa naman ng ahensya.

Ang partial operability section ay binubuo ng phase one ng proyekto na kinabibilangan ng limang stasyon— Redemptorist, MIA, Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos.

Ang last three stations na Las Piñas, Zapote at Niog ay target naman na makumpleto at magiging operational sa taong 2022.

“The DOTR is pushing us to finish as early as possible. I think kaya naman based on the timelines nila,” ani Alfonso.

Ang konstruksyon ng LRT 1 Cavite extension ay sinimulan noong September 1, 2019, limang taon matapos i-award sa LRMC. (Jane Manalastas).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap