PARA SAPAT ANG SUPLAY NG PAGKAIN NGAYONG PANDEMYA IMEE: UTANG NG MGA MAGSASAKA HUWAG NANG PABAYARAN

Huwag nang pagbayarin ng utang ang mga magsasakang benepisaryo ng repormang pang-agraryo para makaagapay sila at masiguro ang ating suplay ng pagkain ngayong nasa kasagsagan tayo ng laban kontra sa COVID-19.

Itong binigyang diin ni Senator Imee Marcos, chairman ng Senate Comittee on Economic Affairs, na nagtutulak na isama sa Bayanihan to Recover As one ACT (Bayanihan 2) ang probisyon para hindi na bayaran ng mga magsasaka ang principal amount, interes, at mga penalty sa mga inutang na pambili ng lupang sakahan, ayon sa Banking law at regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

“Masisiguro ng mga magsasaka na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa panahon ng pandemya kung tutulungan natin sila,” pahayag ni Marcos, miyembro ng conference committee na nakatalagang pag-isahin ang dalawang bersyon ng Senado at Kamara sa Bayanihan 2.

“Nagulo ng pandemya ang suplay ng pagkain sa bansa at lalo pang nabaon sa utang ang ating mga magsasaka dahil sa pagkaantala ng mga biyahe para sa pagbenta ng mga inani nilang produkto dahil sa mga ipinatutupad na community quarantine,” paliwanag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos, kapag hindi na pinagbayad ang mga magsasaka sa kanilang mga loan, pwede na ulit silang makautang sa gobyerno para masigurong mamimintina at mapapalago pa ang kanilang mga ani ngayong pandemya, at dapat silang isyuhan ng Land Bank of the Philippines ng sertipikasyon para maka-avail sa mga lending program ng gobyerno.

Inirekomenda ni Marcos na tanggalin na ang mga espisipikong legal na isyu sa pag-aari ng lupa at mga pabigat na mga requirement sa pag-aari ng lupang sakahan na ipinauutang ng pamahalaan.

Iginiit din ni Marcos na bagamat nahigitan ng LBP ang isinasaad ng batas na kahit 10% ng kabuuang loan ng bangko ang dapat ay mapunta sa mga magsasaka, bumaba naman ang mga kumuha ng loan nitong 2019 sa 6.4% kumpara sa 21.1% noong 2018.

Base sa datos ng Department of Finance at taunang report ng LBP para sa 2018, lumabas na dumami ang mga nag-apply ng loan sa mga magsasaka mula P183.4 bilyon noong 2017 ay umakyat pa ng P222 bilyon noong 2018 pero bumagal pagpasok ng 2019 sa P236.31 bilyon. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap