PARA MAKATULONG ANG PONDO LABAN SA COVID-19 IMEE: IPATUPAD ANG ‘SELECTIVE AUCTION NG BUILD, BUILD, BUILD PROJECTS

Maaaring ituloy at maaari ring isubasta ang ilang bahagi ng mga Build, Build, Builld (BBB) project sa mga pribadong bidder, para ang mga pondong inilaan dito na natatapyasan at hindi nakukumpleto sa takdang iskedyul ay hindi masyadong maapektuhan, ayon kay Senador Imee Marcos.

Pero nilinaw ni Marcos na hindi dapat itigil ng pamahalaan ang mga proyektong imprastraktura ng bansa sa ilalim ng BBB program para pondohan ang laban kontra sa COVID-19 pandemic.

“Ang mga may kakayahan at bukas-palad na mga private bidders ang makatutulong sa gobyerno ngayong panahon ng krisis sa pamamagitan ng pagbi-bid dito ng ilang bahagi ng mga BBB project. Alinsunod naman ang ideyang ito sa konsepto ng public-private partnership,” paliwanag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos, bilang Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na pwedeng samantalahin ng pamahalaan ang pagkakataon para magsagawa ng selective auction habang nakatengga pa ang karamihan sa mga BBB project.

“Kailangan ng mas maraming bagong solusyon para masuportahan ang nananamlay na pondo ng gobyerno at mapanatili ang nakalutang na ekonomiya habang namamayagpag ang COVID-19,” pahayag ni Marcos.

Sang-ayon si Marcos sa posisyon ng gobyerno na “dapat umusad ng may kaunting kompromiso” ang BBB program para masimulan na ang paggalaw ng nakatenggang ekonomiya oras na humupa ang pandemic.

Libu-libong construction workers ang mapapanatili ang kanilang trabaho at magkakaroon ng bagong trabaho kapag nagpatuloy ang mga BBB project, dagdag pa ni Marcos.(JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap