PAPARATING NA 120,500 TEST KITS, PALALAKASIN ANG COVID-19 TESTING CAPACITY NG BANSA

INAASAHAN ng pamahalaan ang pagdating ng karagdagang 120,500 test kits mula sa mga donasyon, na magagamit para palakasin ang testing capacity ng bansa sa coronavirus disease (COVID-19).

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado ang additional test kits na manggagaling sa iba’t ibang bansa, gaya ng China, South Korea at Brunei.

Karagdagan ito sa kasalukuyang 1,300 available test kits at kade-deliver lamang na 2,050 kits mula sa China at South Korea.

Sinabi pa ng DOH na operational na ang limang subnational laboratories bukod sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

Maaring mag-proseso ng 50-300 tests kada araw ang San Lazaro Hospital, at Baguio General Hospital & Medical Center para sa Luzon, Vicente Sotto Memorial Medical Center para sa Visayas, at Southern Philippines Medical Center para sa Mindanao. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap