PANGULONG RODRIGO DUTERTE, UMUWI SA KANYANG HOMETOWN SA DAVAO CITY

Umuwi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hometown sa Davao City para makasama ang kanyang pamilya.

“He is [in Davao City],” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa text message.

Kinumpirma rin ito ni Presidential Security Group commander Colonel Jesus Durante III ang pagbiyahe ni Pangulong Duterte sa Davao.

“He is in Davao after more than two months of not being able to see his family. He will be back for the next IATF [Inter-Agency Task Force] meeting,” ani Durante sa text message.

Si Pangulong Duterte ay nanatili sa Malakanyang matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso ang buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang Davao City ay nasa ilalim ng general community quarantine hanggang May 31, alinsunod sa IATF Resolution No. 37. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap