PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA MALAKANYANG MAGHO-HOLY WEEK PARA TUTUKAN ANG COVID 19 CRISIS

Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagpunta sa Davao City kung saan doon sana ito magho-holy week kasama ang kanyang pamilya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipagpapatuloy ni Pangulong Duterte ang kanyang trabaho sa Bahay Pagbabago sa loob ng Malakanyang Complex para mas matutukan ang krisis na kinakaharap ng bansa sa coronavirus disease (COVID 19).

“He will continue to function and perform his duties as President. He will continue to monitor and then give directives sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa anumang kaganapan na nangangailangan ng kanyang pagtugon,”ani Panelo.

Kahit holy week ay patuloy aniya ang pangulo sa kanyang pag monitor sa mga kaganapan sa pakikibaka sa coronavirus.

Nakatakda sanang lumipad patungong Davao City si Pangulong Duterte para makasama ang kanyang pamilya at ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang anak na si Veronica subalit nagdesisyon ito na kanselahin ang kanyang biyahe. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap