PANGULONG RODRIGO DUTERTE, PORMAL NG NILAGDAAN ANG E.O O TULUYANG PAG BAN SA PAGGAMIT NG E-CIGARETTE O VAPING

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggamit ng e-cigarettes o vaping sa mga pampublikong lugar na bahagi rin ng pagpapalawig sa nationwide smoking ban.

Nakasaad din sa Executive Order No. 106 na bawal bentahan ng e-cigarettes ang mga minor at kinakailangan ding rehistrado ang naturang produkto ng Food and Drug Administration (FDA).

Kailangan ding may license to operate mula sa FDA ang mga establisimyento na gumagawa, nag-iimport at nagbebenta ng e-cigarettes.

Matatandaan na ipinag utos ni Pangulong Duterte ang ban sa paggamit ng e-cigarettes kasunod ng ulat sa unang kaso ng dalagita na nagkaroon ng sakit dulot ng vaping sa Central Visayas. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap