PANGULONG RODRIGO DUTERTE, HINDI NA KAILANGAN PANG KONSULTAHIN ANG GABINETE SA VFA TERMINATION- SEC. PANELO

Binigyan diin ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi na kailangang konsultahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gabinete sa kanyang foreign policy decisions.

Ang pahayag ni Panelo ay kasunod ng sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi sila kinonsultang dalawa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa desisyon ni Pangulong Duterte na i-terminate ang VFA sa pagitan ng United States.

Gayunman, sinabi ni Locsin sa senate inquiry sa VFA na “prerogative ni Pangulong Duterte na tapusin ang kasunduan sa US.

“The President is the chief architect [of foreign policy]. Hindi [niya] kailangan mag-consult,” ani Panelo
Paliwanag pa ni Panelo na walang negatibong epekto sa mga Filipino nagta trabaho sa US ang desisyon ni Pangulong Duterte na pagbasura sa VFA. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap