PANGULONG DUTERTE TINANGGAP ANG SORRY NG ABS-CBN

“I accept the apology, of course,”

Ito, ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN hinggil sa hindi naipalabas na campaign ads niya noong 2016 election.

Pinayuhan din ng Pangulo ang network na i-donate na lamang sa charity ang P2.6-million refund na tinanggihan niyang tanggapin.

Sa kabila naman ng pagtanggap sa paumanhin ay sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya manghihimasok sa proseso ng franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso.

“Fundamentally, really, ang decision nasa House ngayon. Not so much of the Senate because the Constitution says all of these things must originate from the Lower House. Forget about all these hullabaloo,” aniya.

“The critical move is in the House and I tell you I am not going to interfere. Those who know me alam nila.” /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap